INAASAHANG KATANGIAN SA PANGULO NG PILIPINAS
Lahat ng kaharian ay may mga hari, lahat ng bansa ay may namumuno at ito ang pangulo ng bansa na kanyang pinamamahalaan. May iba´t-ibang katangian ang mga tao na tinataglay ng ating pangulo. May mga pinagkaiba ang katangian ang mabuti at hindi mabuti. Ano nga ba ang meron sa katangian ng ating pangulo ?
- Maka-Diyos - ang pagiging maka-diyos ay napakahalagang katangian na dapat taglayin ng isang pangulo.
- Makatao - ang pagka makatao ay hindi lang sarili ang kanyang iniisip kundi sa kapwa tao din niya at ang paggalang sa pagka makatao ng sangkatauhan.
- Mapagmahal - ang pagmamahal sa kanyang tungkulin ay isang mabisang paraan para mas mapaghusayan niya ang pamumuno sa kanyang bansa.
- Matulungin - ang pagtulong sa mga kapos palad sa ating mga kababayan ay nakakapuring paraan sa mga mahihirap.
- Pantay-pantay - ang pagturing ng isang pangulo sa kanyang pinamamahalaan ay pantay-pantay walang mahirap, walang mayaman at ito ay kapuri-puring paraan sa pangulo.
- Matapang - maging matapang sa dapat ika tapang na makakapagbigay ng lakas ng loob sa bawat mamamayan.
- Maka bansa - ang pag-isip sa buong bansa sa kanyang pinamamahalaan hindi lamang sa kung saan siya isinilang.
Ang mga katangian na dapat taglayin ng isang pangulo at ang pagpili ng pangulong may hangarin at may mabuting paraan ay maka katulong para sa pag unlad ng bansang Pilipinas.
Sa makatuwid, isang pangulo naka-salalay ang kinabukasan ng mga mamamayang pilipino sa Pilipinas. Ang pagsuporta at pagtangkilik sa ating pangulo ay nakaakibat para mas mapatibay ang kanyang panunungkulan at ang pagtitiwala sa kanyang disisyon na makakapagpaunlan sa ating bansang Pilipinas.
https://energygapsite.wordpress.com/2017/06/12/inaasahang-katangian-ng-pangulo-ng-pilipinas/
https://energygapsite.wordpress.com/2017/06/12/inaasahang-katangian-ng-pangulo-ng-pilipinas/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento